MANILA, Philippines – Nais ni Senator Francis “TOL” Tolentino na siyasatin sa Senado ang natagpuang submersible drone sa katubigan ng Masbate kamakailan dahil sa potensiyal na seryosong banta nito sa seguridad ng maritime at sa batas ng Pilipinas.
Maghahain si Tolentino ng Senate resolution para sa isang komprehensibong pagsisiyasat sa nadiskubre ng mga mangingisda sa drone sa karagatan ng Brgy. Inawaran sa San Pascual, Masbate.
“This inquiry aims to explore the origins and implications of the drone’s presence in Philippine waters. It is urgent that we understand the drone’s origin and intent,” ayon kay Tolentino.
Ang six-foot drone na pinaniniwalaang Chinese origin at natagpuang palutang-lutang sa dagat ay lumitaw na deactivated. Gawa ito sa PVC atmetal.
Lumabas din sa inisyal na assessments na ang drone ay isang remote-controlled electronic device, na ginagamit sa communication at navigation.
Sinabi ni Philippine National Police Regional Office-5 (PRO-5) director, P/BGen. Andre Dizon sa DZRH radio na batay sa preliminary research, ang drone ay Chinese underwater navigation and communication system.
“While surveillance efforts are expected, a thorough investigation is essential,” ani Tolentino na naniniwala sa abilidad ng Philippine engineers na i-reverse-engineer ang device kung kinakailangan.
Binanggit ni Tolentino na mahalagang masunod ang maritime laws, na tinutukoy ang Philippine Maritime Zones Act (RA 12064) at ang Archipelagic Sea Lanes Law (RA 12065), na nag-aatas sa foreign vessels na gamitin ang designated sea lanes sa pagpasok sa Philippine waters.
“We need to determine if unmanned submersibles, like this drone, fall under these regulations,” anang senador.
Sa ilalim ng Section 7 ng Philippine Maritime Zones Act, ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay umaabot hanggang 200 nautical miles mula sa mga baseline nito, na sumasaklaw sa mga karapatang mag-explore, mag-exploit, mag-conserve, at i-manage ang natural resources sa nasabing katubigan.
Kapag napatunayan na ang drone is foreign origin, kailangang sumunod ito sa Philippine law at dapat isailalim sa pagsusuri ng Philippine authorities para matiyak kung nakasusunod sa regulasyon.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang kulay ng drone ay may kanya-kanyang purpose.
“Bright colors like yellow, red, or orange are typically used for scientific research or tracking schools of fish. They are designed to be visible from the air,” aniya.
Kaugnay nito, umapela si Tolentino sa publiko at awtoridad na manatiling vigilante sa maritime security. RNT