Home NATIONWIDE Sen. Go kinilala sa pagiging mahusay sa serbisyo-publiko

Sen. Go kinilala sa pagiging mahusay sa serbisyo-publiko

Ginawaran si Senator Christopher “Bong” Go ng Lifetime Achievement Award for Excellence in Public Service sa ginanap na World Icon of Excellence and Leadership Awards kamakailan sa The Heritage Hotel Manila sa Pasay City.

Kinatawan sa seremonya ng dating mataas na opisyal ng gobyerno na si Abdulgani Macatoman, ipinaabot ni Go ang kanyang pasasalamat sa pagkilala at parangal sa kanya.

Sinabi ni Go na kanyang ipagpapatuloy ang paglilingkod sa mamamayang Pilipino, partikular sa mahihirap at marginalized.
“This award is not just a reflection of his journey, but also of the people he has chosen to serve—the ordinary Filipinos whose lives he strives to uplift every single day,” sabi ni Macatoman sa inihatid na mensahe ng senador noong awards night.

Si Go, pinuno ng Senate committees on health, on sports, and on youth, ay kinilala sa kanyang mga pagsisikap na ilapit ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa mga grassroots.

“As many of you know, Senator Bong Go has long been called Mr. Malasakit—a title he embraces with pride, not because of any personal ambition, but because it represents his lifelong mission: to serve with compassion, sincerity, and dedication,” sabi ni Macatoman.

Ang pangunahing haligi ng serbisyo publiko ni Go ay ang programang Malasakit Center, na nagpabilis ng tulong-medikal sa mga ospital ng gobyerno.

Bilang punong may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, naitayo ang mga one-stop shop kung saan ang mahihirap na pasyente ay nakakukuha ng tulong-medikal mula sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Mula sa pagtatatag ng Malasakit Centers, hanggang sa Super Health Centers, at pagtutulak ng mga programang maglalayo sa mga kabataan sa droga sa pamamagitan ng sports—ang ating pananaw ay palaging malinaw — na ang serbisyo publiko ay dapat maramdaman ng mga nasa ibaba,” ang naging mensahe naman ni Sen. Go.

Binigyang-diin ng senador na mahalaga ang youth empowerment sa pamamagitan ng sports bilang istratehiya para maiwasan ang krimen at paggamit ng droga.

Sinabi ni Go na naging personal na niyang panata na unahin ang mga Pilipino, lalo ang mahihirap at marginalized.

Ayon naman sa organizers ng okasyon, ang Lifetime Achievement Award ay nagpaparangal sa mga indibidwal na gumagawa ng “namumukod-tanging kontribusyon at makabuluhang epekto sa kani-kanilang industriya at nagpapakita ng pambihirang pangako sa kahusayan.”

Idinagdag ng organizers na sobrang kahanga-hanga ang mga nagawa at ang dedikasyon ni Sen. Go sa serbisyo-publiko.

“This Lifetime Achievement Award is more than a recognition—it is a reminder that there is still much to be done. Rest assured, Senator Bong Go remains steadfast in promoting pro-poor programs, crafting policies that protect the vulnerable, and supporting initiatives that empower every Filipino to live with dignity and hope,” ang pahabol ni Macatoman. RNT