Home HOME BANNER STORY Sen. Padilla, ‘person of interest’ sa kinaroroonan ni Sen. Bato – Matibag

Sen. Padilla, ‘person of interest’ sa kinaroroonan ni Sen. Bato – Matibag

67
0

MANILA, Philippiens – Itinuturing na “person of interest” ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senator Robin Padilla kaugnay sa pagtukoy sa kinaroroonan ni Senator Ronald Dela Rosa matapos itong makaalis sa Senado sa gitna ng usaping may kaugnayan sa International Criminal Court warrant.

Si Dela Rosa ay umalis umano sa Senado noong Huwebes ng madaling araw kasunod ng tensyon kaugnay ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC) na may kaugnayan sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa panayam sa isang ulat, sinabi ni Matibag na “Automatic po ‘yan pero sabi ko nga, kung meron pong unang-unang dapat tanungin, na-identify naman na si Senator Robin Padilla ‘yung kasama,” na tumutukoy kay Padilla bilang huling nakasama ni Dela Rosa.

 “Siya po ‘yung pinaka-person of interest to shed light po sa whereabouts po ni Senator Bato,” aniya pa.

Ayon pa kay Matibag, sumusunod ang NBI sa utos ng Department of Justice (DOJ).

“In the proper time gagawin po natin ‘yan. Malinaw naman po ‘yung sinasabi namin lagi na we are following instructions from the higher-ups, sa DOJ po ‘yung pinaka-main coordination dito so doon po tayo,” aniya.

Sa tanong tungkol sa kinaroroonan ni Dela Rosa, sinabi niyang dapat ding tanungin si Padilla, ang liderato ng Senado, at mga opisyal ng seguridad ng Senado.

Binanggit din niya na ang naganap na kaguluhan sa Senado, kabilang ang naiulat na putukan habang naka-lockdown, ay maaaring naging dahilan upang makalabas si Dela Rosa.

“After noong commotion diyan sa Senate, ‘yung putukan, ang kasunod, nawala na po siya. Kung maalala ninyo po, ‘yan na nga ‘yung binabanggit ko na sentimyento ng aming mga ahente na maaaring ang naging dahilan noong paputukan na ‘yan ay para ma-divert at makaalis si Senator Bato,” ani Matibag.

“At ‘yan naman ay kinumpirma ng kaniyang maybahay na sabi si Senator Bato took advantage noong situation na nagkaputukan para makaalis po ng Senado,” giit pa ng NBI Director.

Ayon sa ulat, umalis si Dela Rosa sa Senate compound ilang oras matapos marinig ang putukan sa loob ng gusali habang siya ay nasa protective custody. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here