Home NATIONWIDE 56 tauhan sibak sa internal cleansing ng LTO

56 tauhan sibak sa internal cleansing ng LTO

63
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Office na 56 nitong opisyal at empleyado ang nahaharap sa mga administrative charge bilang bahagi ng ipinatutupad na internal cleansing sa ahensya.

Ayon sa LTO, kabilang sa mga kaso ang grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, extortion, at falsification of official documents, at iba pa.

Batay sa ahensya, isinampa ang mga kaso matapos ang malawakang “internal cleansing operation” na nagresulta sa preventive suspension ng ilang personnel at pagtanggal sa pwesto ng iba.

Ilan sa mga kaso ay isinangguni na rin sa mga disciplinary bodies tulad ng Central Office Disciplinary Board, Regional Administrative Action Board, at Department of Transportation.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang isang presidential appointee at 34 permanent employees na nakatalaga sa iba’t ibang tanggapan ng LTO, kabilang ang central office sa Quezon City at mga regional office sa NCR, Cagayan Valley, MIMAROPA, Central Visayas, Cordillera Administrative Region, at Caraga.

Ayon pa sa LTO, 16 job order personnel ang tinanggal sa serbisyo, habang binawi ang deputation authority ng dalawang LGU auxiliary enforcers at isang security guard. Dalawa pang empleyado ang binigyan ng stern warning dahil sa administrative lapses.

Tiniyak ng ahensya na ipagpapatuloy nito ang imbestigasyon laban sa mga lumalabag na tauhan at hinikayat ang publiko na ireport ang mga kaso ng extortion, fixer transactions, at iba pang paglabag. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here