Home LIFESTYLE HEALTH Outdoor work limitahan sa 3 oras sa gitna ng matinding init –...

Outdoor work limitahan sa 3 oras sa gitna ng matinding init – health experts

108
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang occupational health expert sa mga employer na limitahan ang outdoor work sa dalawa hanggang tatlong oras lamang sa gitna ng matinding init na nararanasan sa bansa, dahil sa banta ng mga heat-related illnesses.

Sa isang press conference ng Health Reporters Organization sa Makati City, sinabi ni Dr. Abdul Javar Esturco, presidente ng Philippine College of Occupational Medicine (PCOM)-Zamboanga Peninsula Chapter, na dapat iwasan ang tuloy-tuloy at matagal na exposure sa init.

“With this heat, nandiyan lang tayo sa mga two to three hours,” ayon kay Esturco nang tanungin tungkol sa ligtas na oras ng field work sa panahon ng tagtuyot.

Binigyang-diin niya na ang tatlong oras ay dapat ituring na maximum na tuloy-tuloy na exposure sa matinding init.

“Yung continuous na mainit, the same ang init. The three hours is the maximum time,” aniya.

Nagbabala si Esturco na ang matagal na exposure sa mataas na temperatura ay maaaring magdulot ng cramps, pagkapagod, at iba pang komplikasyon sa kalusugan, lalo na sa mga construction worker.

“‘Yung mga cramps, no? Usually in the construction industry, nakikita namin may mga cramps,” dagdag niya, kasabay ng pagbanggit na naaapektuhan din ang pagkain at hydration ng mga manggagawa.

Iminungkahi niya sa mga employer ang pagtatayo ng cooling stations at pag-rotate ng mga trabahador upang mabawasan ang exposure sa init.

Pinayuhan din niya ang mga manggagawa na uminom ng sapat na tubig—hanggang tatlong litro para sa kalalakihan at hindi bababa sa ganitong dami para sa kababaihan—lalo na sa panahon ng matinding init.

Ayon pa sa kanya, may ilang manggagawa ang hindi nagpapahinga o nananatili sa matataas na lugar ng trabaho upang makatipid sa oras, na nagdudulot ng mas mataas na panganib sa kalusugan.

“Usually, ina-economize nila yung time na nandoon sila,” aniya.

Nanawagan din siya ng mas maayos na iskedyul ng trabaho para sa mga long shift, at iginiit na dapat iwasan ang tuloy-tuloy na exposure sa init.

“Rerationalize ‘yung schedule, no? Na hindi puwedeng more than this, especially kung mga 24 hours shift, dapat hindi continuously sila,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here