Home NATIONWIDE Sen. Villar bukas sa imbestigasyon; transparency at good governance ibinida

Sen. Villar bukas sa imbestigasyon; transparency at good governance ibinida

163
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng pahayag si Senator Mark Villar, na siyang dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), upang linawin ang mga usapin na ibinabato laban sa kanya at igiit ang kanyang paninindigan para sa transparency at mabuting pamamahala.

Ayon sa opisyal, bukas siya sa anumang imbestigasyon at buo ang kanyang suporta dito.

“Wala akong itinatago at naniniwala ako sa pananagutan at due process,” giit niya.

Mariin niyang itinanggi ang anumang direktang o di-tuwirang pagmamay-ari o kontrol sa mga kumpanyang lumahok sa mga proyekto ng DPWH.

Iginiit din niya na mula 2016 hanggang 2021, panahon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim, walang sinuman sa kanyang mga kaanak ang nakakuha ng kontrata mula sa ahensya.

Binigyang-diin niya na ang kanyang pokus noon ay magsagawa ng malalalim na reporma upang muling maibalik ang tiwala ng publiko. Kabilang dito ang:

-Pag-digitize ng lahat ng DPWH data katuwang ang iba’t ibang institusyon upang maging ganap na transparent at accessible.

-Pagbuo ng community groups sa mga malalayong lugar para magsilbing mata at tainga ng pamahalaan.

-Paglulunsad ng 24/7 complaints hotline upang matiyak na naririnig ang lahat ng reklamo at suhestiyon.

Gumamit din ang kagawaran ng drone technology para sa mas epektibong monitoring, at aktibong inanyayahan ang mga civil society organization upang personal na makapagsagawa ng inspeksiyon sa mga proyekto.

“Layunin namin noon ang ganap na transparency mula right-of-way acquisition hanggang geotagging,” dagdag pa niya.

Kumpiyansa ang senador na magpapatunay ang kanyang track record sa mga nagawa sa loob ng kanyang termino. Bilang pagpapatuloy ng nasimulan, ipinahayag niyang suportado niya ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.

Dagdag pa rito, inanunsyo rin niya ang pagsasampa ng panukalang batas na mag-oobliga sa universal drone monitoring para sa lahat ng malalaking proyekto ng pamahalaan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here