MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senate President Francis Escudero na walang pinaghahandaang anumang impeachment ang Senado.
Ito ay kasunod ng pag-usbong ng mga balita na nakakuha ng sapat na pirma ang Kamara, o 153 pirma na higit sa one-third ng miyembro nito, para umusad ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.
Ayon kay Escudero, hindi dapat umano basta-basta na gumawa ng mga konklusyon tungkol sa ganitong usapin.
“We cannot and will not assume anything until and unless it is a fact,” ani Escudero.
“The statements made by an over-eager staff was not authoried by me nor was it proper,” dagdag pa niya.
Ang mga naging pahayag ng Senate President ay taliwas sa mga naglabasang ulat na ipadadala ang impeachment complaint laban kay Duterte mamayang gabi.
Batay sa reporter ng Remate sa Senado, naging maugong ang balitang ito kung kaya’t agad na naglabas agad na naglabas ng paglilinaw si Escudero sa naturang isyu. RNT/JGC