Home NATIONWIDE Senate hearing sa economic Charter change, pinababantayan ni Angara sa publiko

Senate hearing sa economic Charter change, pinababantayan ni Angara sa publiko

MANILA, Philippines- Mahigpit na hinimok ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang publiko na matamang sundan ang bawat pampublikong pagdinig ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6 upang maintindihan ang panukalang amendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig nitong Lunes, sinabi ni Angara na bukas sa publiko ang lahat ng proseso, deliberasyon at pagdinig sa economic chacha upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat mamamayan na maunawaan ang nilalaman ng RBH6.

“The public can watch them in real time on the Senate’s YouTube channel, or whenever they’re free,” ayon kay Angara, chairman ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, na tumatalakay sa panukala.

“Maririnig nila ang mga opinyon at pananaw ng mga legal at economic, and these will help voters form their own views about the need to amend our Constitution,” ayon pa sa senador.

Nagsagawa ngayon, February 12, ng ikalawang pagdinig sa RBH6 na inimbitahan ang ilang eksperto at kinatawan sa ekonomiya, negosyo at legal luminaries.

Ayon kay Angara, magbibigay ang pagdinig ng maaga at mahusay na guidance sa botante upang maging pamilyar siya sa pabor at komokontra sa pag-aamyenda ng economic provisions ng Constitution.

“As they may have to vote on these changes that could have a direct impact on their lives,” ayon kay Angara, a isang abogado na nagtapos ng law degree mula sa University of the Philippines at kanyang Master of Laws sa Harvard University.

Sinabi pa ni Angara na maaaring lumahok din ang publiko sa diskusyon sa charter change sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang katanungan, alalahanin at komento sa [email protected].

Bukod sa pagdinig sa iba’t-ibang perspektibo mula sa mga eksperto, sinabi ni Angara na maaaring pagsabihan din ng publiko ang Senado kung ano ang gusto nilang malaman o maibahagi ang kanilang alalahanin hinggil sa isyu na ipinalulutang ng ilang resource persons sa pagdinig.

Kasabay nito, iginiit din ng mambabatas ang kanyang posisyon sa plebistio na maaring isabay sa 2025 national and local elections.

“If we have faith in the ability of our voters to discern who to vote for, then we should be confident in the capacity of our countrymen to determine whether changes in our Constitution will be advantageous for them,” aniya. Ernie Reyes