Home NATIONWIDE 8 Chinese vessels sa Bajo de Masinloc namataan ng PCG

8 Chinese vessels sa Bajo de Masinloc namataan ng PCG

MANILA, Philippines-  Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong weekend na sinusubaybayan nila ang walong Chinese vessels na sumusunod sa local vessels sa Bajo de Masinloc sa pagpapatrolya ng siyam na araw sa lugar nitong buwan.

Sa inilabas na pahayag sa kanyang opisyal na Twitter account, sinabi ni Philippine Coast Guard spokesperson Jay Tarriela na na-monitor ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ang apat na Chinese Coast Guard (CCG) vessels na may bow numbers 3105, 3302, 3063, at 3064.

Sinusundan ng mga barkong ito ang barko ng PCG nang mahigit 40 pagkakataon, na ang pinakamalapit na distansya ay 176 metro mula sa gilid nito.

Ayon sa pahayag, nagsagawa ng CCG ng “mapanganib at blocking maneuvers” laban sa BRP Teresa Magbanua nang apat na beses.

Sinabi ni Tarriela na dalawang beses na tumawid ang mga sasakyang pandagat ng CCG sa harapan ng Teresa Magbanua, at sinabi nitong binalewala nito muli ang “Convention of the International Regulations for Preventing Collisions at Sea.”

“Additionally, the PCG vessels observed the presence of four Chinese Maritime Militia (CMM) vessels,” sabi ni Tarriela.

“Nevertheless, the PCG vessel professionally engaged both the CCG and CMM vessels through radio reiterating the clear and principled position of the Philippines in accordance with international law,” dagdag niya.

Naiulat ang mga insidente nang i-deploy ng PCG ang BRP Teresa Magbanua noong Pebrero 1 upang matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar, ayon sa utos na rin ni CG Admiral Ronnie Gil Gavan.

Sa siyam na araw na pagpapatrolya, namahagi ang PCG ng food packs at maiinom na tubig sa mga mangingisdang Pilipino para masuportahan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa matagal na operasyon sa BDM.

Sinabi ng PCG na nagpahayag ng pasasalamat ang mga mangingisda, kung saan sa presensya ng PCG na nagpalakas ng kanilang kumpiyansa na magpapatuloy ng pangingisda sa pinag-aagawang katubigan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSenate hearing sa economic Charter change, pinababantayan ni Angara sa publiko
Next articleHalos 1.5M dumagsa sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Binondo