Home NATIONWIDE Senate probe sa proteksyon ng magsasaka, mangingisda vs Super El Nino, ikinasa...

Senate probe sa proteksyon ng magsasaka, mangingisda vs Super El Nino, ikinasa ni Kiko

1
0

MANILA, Philippines – Ikinasa ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang isang malawakang imbestigasyon kung sapat ang inihahandang proteksiyon ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura laban sa paparating na Super El Nino.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform, na kailangan makita kung ano ang inihahanda ng pamahalaan upang tugunan ang epekto ng Super El Nino kabilang ang proactive at long term measures upang protektahan ang magsasaka at mangingisda, food security, tubig-yaman at kabuhayan ng milyong mamamayan.

Binigyang diin ni Pangilinan ang panganib sa pagbabago ng klima kinahaharap ng sektor ng
pangisdaan at sakahan, binanggit ni Pangilinan sa Proposed Senate Resolution No. 515 na inihain nitong Hulyo 14, na kailangan matukoy ang paghahanda ng Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at iba pang concerned agencies na magbibigay ng “timely and adequate assistance” to the affected communities.

“RESOLVED BY THE SENATE, as it is hereby resolved, to direct the Senate Committee on
Agriculture, Food and Agrarian Reform to conduct an inquiry, in aid of legislation, into the readiness of the country’s agriculture sector for the 2026 to 2027 El Niño, with the end in view of protecting farmers and fisherfolk, securing the country’s food supply, and ensuring timely and adequate government action,” ayon sa resolusyon.

Gamit sa resolusyon ang babala ng international climate experts sa paparating na El Nino na magdadala ng “record levels of intensity” of droughts, floods, extreme heat, and other severe weather and climate conditions worldwide.”

Sa Pilipinas, tinaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na isang napakalakas na El Niño ang darating sa August-September-October 2026 season hanggang sa unang kalahati ng 2027.

“Napakalaking dagok na naman ito sa ating mga magsasaka at mangingisda, pati na rin sa ating mga mamimili. Sa bawat hirap na dinadanas sa sakahan at sa ating fishing grounds, dagdag pasanin na naman sa ating mga kababayan dahil magkukulang ang supply ng pagkain at mamahal ang bilihin sa merkado,” paliwanag ni Pangilinan.

“Maghihintay pa ba tayo kung kailan andiyan na ang problema? Kailangan nating umaksyon
ngayon na. Kailangan ng sapat na preparasyon, tulong, at suporta ng ating mga magsasaka at mangingisda para hindi nila pasanin mag-isa ang hirap na dala ng El Niño,” dagdag niya. “Dapat maging handa ang gobyerno na rumesponde at gumawa ng mga hakbang para sa mga pangmatagalang solusyon laban sa climate crisis.”

Tinaya ng PAGASA sa huling projection nito na 49 lalawigan ang makararanas ng tagtuyot habang 29 probinsiya ang makakaranas ng tuyong kondisyon sa pagtatapos ng taon. Mangyayari din ang mas mahabang tagtuyog sa unang kalahating bahagi ng 2027.

Ibinabala din ng DA na maaaring mabawasan ang ani ng bigas ng hihigit sa 700,000 metric tons kaya nanganganib ang suplay ng bigas, kita ng magsasaka at katatagan ng halaga ng pangunahing pagkain.

Sinabi pa ng resolusyon na: “reduced rainfall and declining water availability may disrupt irrigation service, delay planting, reduce crop, livestock, fisheries, and aquaculture production, raise production costs, lower the income of farmers and fisherfolk, and push food prices higher.”

“There is, therefore, a need to determine whether the government’s plans, budget, and
interventions are sufficient, properly targeted, and ready for implementation before El Niño becomes more severe, particularly in relation to irrigation and water management, seeds and planting schedules, crop insurance, credit
assistance, livestock and fisheries support, and food supply contingency measures,” ayon sa resolusyon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here