Home NATIONWIDE Senate probe vs Prime Water ikinasa sa Senado: ‘Customer agrabiyado’

Senate probe vs Prime Water ikinasa sa Senado: ‘Customer agrabiyado’

0
Senate probe vs Prime Water ikinasa sa Senado: ‘Customer agrabiyado’

MANILA, Philippines – Hindi pinalampas ni Senador Risa Hontiveros ang dumadaming reklamo ng mamamayan laban sa Prime Water, isang kompanyang pag-aari ng pamilya Villar kaya nagpatawa ang masusing imbestigasyon sa joint venture agreement sa pagitan ng water districts at private companies.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na gustong malaman ng Senado kung ang katotohanan sa natuklasan ng Commission on Audit (COA) na pawang “disadvantageous” ang kasunduan.

“No one is too big to be investigated. Kailangan nang silipin ang mga water concessionaires na ito dahil masyadong maraming kababayan natin ang uhaw na uhaw na sa maayos na serbisyo mula sa kanila lalo na ngayong tag-init,” ayon kay Hontiveros.

Giit pa niya, “Hindi katanggap-tanggap ang papatak-patak na serbisyo. Hindi pwedeng palagpasin ang mga kontratang sinlabo ng tubig na lumalabas sa ilang mga kabahayan na biktima ng kapalpakan ng mga water concessionaires at ng oversight bodies.”

Habang nagpahayag ang Palasyo na iimbestigahan ang Prime Water hinggil sa palpak na serbisyo sa kabila ng palaging naniningil kahit walang tumutulong tubig sa kanilang sistema, iginiit ni Hontiveros na mayroon nang “abundance of potentially actionable audit findings.”

”Sa ngayon, 11 water districts daw ang gustong tapusin na agad ang joint venture agreements nila. The problem might be far worse and more encompassing. Pwede nang umaksyon ang Malacañang kahit inaalam pa natin kung paano pigilan ang lalong pag-lala at pag-ulit nitong sitwasyon,” ani Hontiveros.

Matagal nang isinusulong ni Hontiveros ang karapatan ng water consumer kaya ipinananawagan nito noong 2019 na magbayad ang Manila Water sa kakapusan ng suplay sa apektadong customer.

Sa Proposed Senate Resolution No. 1352, nanawagan si Hontiveros sa Senate Committee on Public Services na magsagawa ng imbestigasyon sa joint venture agreements sa pagitan ng water districts at private companies tulad ng Prime Water Infrastructure Corp., Manila Water Philippine Ventures, Metro Pacific Water Investments Corp., at hinggil sa COA findings hinggil sa kontratang ito kabilang ang Malabo at masalimuot na termino.

“These identified problems have reportedly led to detrimental outcomes for water districts, including diminished financial standing — as seen in the San Jose Del Monte Water District post-JVA — and for the consuming public, who have experienced poor service quality, inadequate water supply, and significant increases in water tariffs — as reported in areas served by PrimeWater in various provinces like Bulacan and cities like Bacolod — sparking public protests and calls for intervention,” ani Hontiveros sa resolution.

Uungkatin din ni Hontiveros ang kawalan ng transparency at malinaw na accountability mechanisms sa kasunduan kaya mahirap papanagutin ang private concessionaires, water district boards, LWUA, at National Water Resources Board, at Commission on Audit, at ang Public-Private Partnership Center.

“Reklamo ng mga kababayan natin, sinisingil pa rin daw sila kahit halos walang tubig ang dumadaloy sa kanilang gripo. Panahon nang singilin naman natin ang mga water concessionaires at iba pang ahensyang dapat nagbibigay ng walang-patid na serbisyo,” ani Hontiveros. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here