Home NATIONWIDE Senatorial candidate iniimbestigahan sa ‘vote buying’

Senatorial candidate iniimbestigahan sa ‘vote buying’

MANILA, Philippines- Isang senatorial candidate iniimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa isyu ng umano’y vote buying.

Ang komisyon ay nakatakdang maglabas ng show cause order laban kay senatorial candidate Camille Villar.

Sinabi ni Comelec Executive Director Teofisto Elnas, ilalabas ang show cause order ng Committee on Kontra-Bigay dahil sa sumbong na nag-aabot ng pera bilang pang-raffle.

Naganap ang aktibidad sa Buhay na Tubig, Imus, Cavite na lumabas sa social media noong February 26 kung kailan simula na ang panahon ng kampanya subalit kahapon lamang naipaabot sa kaalaman ng komisyon.

Hindi naman malinaw kung namigay ang kandidato ng pera o iba pa.

Ayon sa Comelec, dapat pa ring siyasatin lalo na’t dumalo ang kandidato sa aktibidad kung saan nakasulat din ang kanyang pangalan sa mga nakapaskil na mga tarpaulin.

Bibigyan ng tatlong araw ang kandidato para makapagpaliwanag sa nasabing isyu. Jocelyn Tabangcura-Domenden