MANILA, Philippines- Nasa halos isang milyong pasahero na dumating at umalis ng bansa ang naitala ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) nitong nagdaang Semana Santa.
“Throughout the Holy Week, the BI recorded a total of 371,092 arrivals and 432,763 departures across the country’s international airports,” batay sa pahayag ng BI nitong Martes, Abril 22.
Ayon sa BI, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pa lamang, ang araw-araw na areival ay umabot sa 51,000, habang ang araw-araw na pag-alis o departure ay umabot sa 61,000.
Sa kabila ng malaking bilang ng mga pasahero, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado na natiyak ng bureau ang maayos at ligtas na paglalakbay para sa lahat ng mga Pilipino sa panahon ng peak travel season.
Noong Holy Week, sinabi ni Viado na mahigit 40 immigration officers ang naka-deploy sa NAIA pa lamang.
Nagbukas din aniya ang BI sa NAIA Terminal 3 ng isang wing para sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na tumulong sa pag-decongest ng mga pila at nagbigay ng mas maginhawang pagproseso. JR Reyes