NORTH KOREA – Nangyari ang isang ‘major accident’ sa launch ceremony ng bagong North Korean naval destroyer, iniulat ng state media nitong Huwebes, Mayo 22.
Ayon sa lider na si Kim Jong Un, ang pangyayari ay isang uri ng “criminal act.”
Sa seremonya para ipakilala ang bagong 5,000-ton destroyer sa eastern port city ng Chongjin nitong Miyerkules, “a serious accident occurred,” sinabi ng Korean Central News Agency.
Sinisi ang “inexperienced command and operational carelessness” sa naturang launch na sinaksihan mismo ni Kim.
Dagdag ng KCNA, nag-iwan ang aksidente ng “some sections of the warship’s bottom crushed”.
Dahil dito ay nasira ang balanse ng naturang warship.
Pinanood ni Kim ang kabuuang insidente at idineklara ito bilang “criminal act caused by absolute carelessness,” kasabay ng babala na hindi ito palalampasin.
Aniya, ang pagkakamaling ito ng mga opisyal na sangkot “will be dealt with at the plenary meeting of the Party Central Committee to be convened next month”. RNT/JGC