Home ENTERTAINMENT Sheryl, 4 na afam ang suitors!

Sheryl, 4 na afam ang suitors!

Manila, Philippines- Nasa line of 4 na si Sheryl Cruz sa ngayon.

In fairness though, she hardly looks it.

Aminado ang aktres na maalaga kasi siya sa kanyang kutis, ‘yun bale ang itinuturing niyang fountain of youth.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na hindi naging matagumpay ang marriage ni Sheryl.

Pero hindi ‘yon ang naging dahilan ng aktres to take herself for granted.

As a result, wala sa kanyang mukha ang anumang trace that she had gone through episodes of depression.

Bagkus, lumutang pang lalo ang asim ni Sheryl!

Sa katunayan, apat lang naman ang kanyang mga manliligaw sa ngayon.

All four guys aniya are not from the Philippines; in short, mga afam!

Bale ba, ang apat na foreigner suitors niya are not her age kundi mas bagets pa.

Hindi nga lang daw halata dahil mga mature-looking ang mga ito.

Nilinaw ni Sheryl na may basbas ng kanyang daughter ang pakikipag-communicate niya sa apat na ‘yon.

Kung sino sa apat stands a good chance na sagutin niya’y hindi binanggit ng aktres.

Ang malinaw aniya: “I’m not looking for a model…just a man who I can depend on, someone I’ll grow old with.”

Ayaw na raw kasi niyang balikan ang malungkot na yugto sa buhay niya noon.

I-manifest mo ‘yan, Shery!! Ronnie Carrasco III