Home NATIONWIDE UP, Ateneo, La Salle umangat sa 2025 QS world university rankings

UP, Ateneo, La Salle umangat sa 2025 QS world university rankings

MANILA, Philippines- Umakyat ang pwesto ng tatlong Philippine universities habang dalawang institusyon ang bahagyang bumaba sa 2025 QS world university rankings.

Umakyat ang University of the Philippines sa pinakabagong QS rankings, sa 336 mula 404. Ika-18 din ang UP sa Asya, base sa UK-based higher education company.

Umangat naman ang Ateneo de Manila University sa 516 mula 563, habang tumaas ang De La Salle University sa 641-650 mula 681- 690.

Bumaba naman ang University of Santo Tomas sa 851-900 mula sa nakaraang 801-1,000. Gayundin, dumulas ang Cebu-based University of San Carlos — unang napasama sa 2024 edition ng QS rankings sa 1,201-1,400 bracket — sa 1401+.

Nangunguna pa rin ang Massachusetts Institute of Technology sa United States sa lahat ng unibersidad sa mundo sa ika-13 sunod na taon, batay sa QS.

“Imperial College London jumps four places to take second and the University of Oxford and Harvard University are in third and fourth place respectively. The University of Cambridge rounds out the top five,” anito.

Nanatili rin ang National University of Singapore sa unang pwesto sa Asya at ika-walo naman sa buong mundo.

Ayon sa QS ang 2025 world university ranking “is the largest ever,” tampok ang 1,500 unibersidad sa 105 higher education systems.

Inihayag din ng QS na ikinasa nito ang “largest-ever methodological enhancement” nito kung saan ipinakilala ang bagong metrics tulad ng sustainability, employment outcomes, at international research network. RNT/SA