Home METRO Sigalot sa NoKor, aayusin ni Trump

Sigalot sa NoKor, aayusin ni Trump

195
0

Sinabi ni Pangulong Donald Trump na “aayusin” niya ang sigalot sa North Korea, habang binigyang-diin ang mabuti niyang relasyon noon kay Kim Jong Un.

Nang tanungin kung nagsumite siya ng liham kamakailan kay Kim, hindi siya nagkumpirma at sinabi lamang, “Tingnan natin. Sa tingin ko, maaayos natin ito. Kung may sigalot man, hindi kami kasali.”

Ayon sa ulat ng NK News, ilang beses tinanggihan ng delegasyon ng North Korea sa UN ang pagtanggap ng liham mula kay Trump.

Tatlong summit ang idinaos nina Trump at Kim noong unang termino ng US leader, ngunit bumagsak ang pag-uusap dahil sa pagtutol ng US sa nuclear program ng Pyongyang.

Sa kanyang ikalawang termino, inamin ni Trump na isang “nuclear power” ang North Korea, at bukas umano siya sa muling pakikipag-ugnayan kay Kim.

Gayunman, pinalawak ng North Korea ang kanilang armas at nakipag-alyansa sa Russia, kabilang ang pagbibigay ng tropa at armas para sa digmaan ng Moscow sa Ukraine. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here