Home METRO SIM cards, text blast devices bumulaga sa nasunog na bahay sa QC

SIM cards, text blast devices bumulaga sa nasunog na bahay sa QC

Isang sunog sa isang bahay sa Batasan Hills, Quezon City nitong Martes ng madaling araw ang nagbunga ng pagkakadiskubre sa hinihinalang iligal na operasyon ng POGO.

Matapos maapula ang apoy, natuklasan ng mga otoridad ang libu-libong SIM card, mga computer, text blaster devices, at isang Chinese passport.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), posibleng ginagamit ang lugar bilang base ng isang scam o online gambling operation.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa Bureau of Immigration at PAOCC upang suriin ang background ng dayuhang sangkot.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga text blaster na kayang magpadala ng mass messages, at isang notebook na naglalaman ng mga scam message templates, na tila bahagi ng social media training para sa panlilinlang. Santi Celario