Home ENTERTAINMENT Yul, pinahanga ang mga netizen sa pagiging kalmado!

Yul, pinahanga ang mga netizen sa pagiging kalmado!

Screenshot

Manila, Philippines – Sa totoo lang, maraming netizens ang saludo at pumupuri sa actor politician na si Manila Vice Mayor Yul Servo.

Paano ba naman, sa gitna ng ingay ng politika at walang humpay na batuhan ng masasakit na salita sa Maynila, nananatiling kalmado at buo ang loob ni Yul.

FYI, halos dalawang dekada na siyang naglilingkod sa lungsod, at sa bawat yugto ng kanyang karera, pinapatunayan niyang siya ay hindi lamang politiko kundi isang sundalo ng paglilingkod—handang magsakripisyo at kumilos para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Sa mga hindi nakakaalam ay naging konsehal ng Ikatlong Distrito ng Maynila si Yul.

So Yul ang nagpasimula ng Araw N’yo, Serbisyo Ko: Medical Mission—isang programang nagbibigay ng libreng check-up, gamot, gupit, masahe, at pagkain sa mga nangangailangan. Isa itong patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi kailangang mamahalin, kundi may puso. Sa isang medical mission, isang matandang babae ang napaluha nang mabigyan ng libreng gamot sa high blood—gamot na dati ay hindi niya kayang bilhin.

Naging mambabatas din si Yul at naging Deputy Majority Floor Leader na may disiplina na bihirang makita.

Ipinaglaban niya ang mga panukalang may konkretong benepisyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga maralita.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang kanyang serbisyo bilang Vice Mayor.

Ang isa sa pinaka-makabuluhang pamana ni Yul ay ang kanyang bisyon na gawing makabago at digital ang pamahalaang lungsod.

Bilang Vice Mayor, pinangunahan niya ang paglulunsad ng opisyal na website ng Konseho ng Maynila kung saan maaaring makita ng publiko ang mga ordinansa, resolusyon, at iba pang impormasyon—isang hakbang patungo sa transparency at accessibility.

Sa kabuuan, pinatunayan ni Yul na sa kabila ng politika, posible pa rin ang tunay na serbisyo.

Sa kanyang pagtakbo bilang Bise Alkalde, dala niya ang karanasan, malasakit, at kongkretong plano—isang lider na hindi lang gumagawa ng ingay kundi gumagawa ng pagbabago. JP Ignacio