HAPPY 85th Birthday in heaven our dearest Inay Ofie. Salamat sa pamanang hindi man salapi o swerte subalit hindi naman ito maaagaw o mananakaw sa amin ng ibang tao subalit maipamamana namin sa aming mga susunod na salinlahi — ang kagandahang asal at kabutihan sa kapwa. Miss na miss at mahal na mahal ka namin Inay Ofie.
@@@@@@@@@
Ipinagyayabang ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan na naungusan ng kanilang tanggapan ang trust at satisfaction ratings in Senado.
Oo naman, ayon sa OCTA Research na ginawa noong July 2025 kung saan ang Kamara ay nakatanggap ng 57% trust rating mula sa dating 49 at 55% na satisfaction rating mula sa dating 47%.
Aminado ang mga mambabatas ng House of Representatives na madalas na mas mataas ang trust at satisfaction ratings ng Senado sa kanila. Mabuti naman, alam nila.
Syempre, ipinagyayabang ng mga mambabatas ng HOR na iyon ay dahil sa pamumuno ng kanilang Speaker of the House na si Martin Romualdez. Ayon nga sa kanila, nakikita raw ng publiko ang mahusay na trabaho ng Speaker.
Posibleng may kinalaman kaya ang survey sa impeachment ni Vice President Sara Duterte?
Nakikita naman ng mga tao na nahahati sa magkasalungat na paninindigan ang Senado at Kamara dahil sa usapin ng impeachment.
At kapag inaral na mabuti, makikitang mas ginagastusan ang mga anti-VP Sara propaganda o demolition job. Bukod pa sa tanong ng marami na : Sino ba ang nagbayad sa survey?
O di ba? Alam na dis. Syempre kung sino ang gumastos, sa kanya papabor! Hindi na kailangang idepensa pa.
Pero, hindi iyan ang punto. Sana, ang susunod na ipakomisyong isyu para sa survey ay “May pagkakataon pa kayang magkasundo o maibalik ang dating pagtitinginan ng Marcos at Duterte?”
Hindi ito para sa kanilang political status pero para sa ikatatahimik na ng Inang Bayan. Mula nang naghiwalay ng landas at nagkontrahan ng prinsipyo sina President at Vice President ay maging ang kanilang mga tagasuporta ay nagwatak-watak na rin.
Sabi nga sa kanta, “Kung maibabalik ko lang!” Tapos ang usapin. Magiging maayos ang lagay ng Pilipinas.





