Home OPINION SINONG TRAPO, BOBO?

SINONG TRAPO, BOBO?

PINAGTAWANAN ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at sinabihang ‘bobo’ sa sinabi nitong pinagtaksilan siya at si dating Pangulong Rodrigo Duterte ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sapagkat nakipagtulungan ang administrasyon nito sa International Criminal Court.

Ayon kay Gadon, ang ipinagkanulo lang ay kaibigan o kakampi. Wala, aniyang alam sa konsepto at kahulugan ng salitang pagtataksil si Dela Rosa bukod pa sa hinding-hindi gagawa ng anomang pagtataksil ang Pangulo sa senador dahil hindi niya kaibigan ito.

Eh bobo rin pala si Gadon. Hindi ba pagtataksil ang ginawa ni Presidente Marcos na ipagkanulo si FPRRD at mismong administrasyon niya ang humuli at nagpadala kay Duterte sa The Hague, sa Netherlands?

Gadon, huwag na bilang kaibigan, pero bilang isang kapwa Pilipino na lang. Hindi ba pagbebenta ‘yan ng kapwa mo Pilipino sa dayuhan?

Hindi ba’t inamin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na plinano nila nina Defense Secretary Gilbert Teodoro, National Security Adviser Eduardo Año at President Marcos ang paghuli at mabilisang pagpapadala kay Duterte sa ibang bansa?

Eh sabi nga ng kilalang abogadong si Raul Lambino, pwedeng kasuhan ng kidnapping ang mga nagplano sa pagdala kay Duterte sa Netherlands dahil iyong ay “grand conspiracy” at sapat na ang mga binitiwang salita ni Remulla sa interview na isang raw bago umuwi sa Pilipinas mula sa Hongkong si Duterte ay plinano na nila kung paano aarestuhin ito.

Kapag may sabwatan, lalo na mga opisyal ng pamahalaan, matatawag iyong pagtataksil. Hindi lang sa taong kanilang pinagplanuhan subalit maging sa sambayanan at sa bayan.

Pwede kayang sabihin na itong si Gadon ang matinding halimbawa ng trapong politiko? Sabi nga ng ilang mga taong nakabasa ng artikulo na sinabihan niyang bobo si Dela Rosa, si Gadon ay isang taong walang prinsipyo.

Ayon sa netizens, itong si Gadon ay parang lintang kumakapit para lang makasipsip ng dugo.

Napakalakas magsabi ni Gadon ng BOBO sa mga taong kumakalaban sa mga kanya o kaya kay Pangulong Marcos. Napakalakas ng loob niya na mang-insulto.Noon, ang mga muslim ay kanyang ininsulto at sinabihang dapat mamatay. Pero bandang huli, humingi siya ng patawad.

Teka nga, sino ba ang na-disbar? Ang mga sinabihan ba niya ng bobo?

Hindi ba siya ang na-disbar dahil sa katarantaduhan niya na hindi lang ang Supreme Court ang nagalit subalit maging ang mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines?

Sino ngayon ang BOBO?