Home HEALTH Sintomas ng autism sa 3-anyos na lalaki nawala sa murang gamot?

Sintomas ng autism sa 3-anyos na lalaki nawala sa murang gamot?

MANILA, Philippines- Binigkas ng isang autistic child ang mga una niyang salita matapos uminom ng murang gamot na karaniwang ibinibigay sa cancer patients.

Na-diagnose si Mason Conner ng Arizona ng pagkakaroon ng autism sa edad na dalawa at kalahating taon matapos mapansin ng kanyang ina na hindi pa ito nagsasalita.

Matapos ang ilang taon ng palyadong mga therapy at gamutan, nakilala ng mga magulang ni Mason ang isang doktor na nagsasaliksik ng experimental na mga bagong therapy para sa autism.

Iminungkahi ni Dr Richard Frye, isang pediatric neurologist sa Rossignol Medical Center sa Arizona, sa pamilya na subukan ang Leucovorin, isang generic drug na gawa sa folic acid. 

Tatlong araw matapos simulang inuman ang mga tabletas, tinuran ni Mason ang mga una niyang salita sa edad na tatlong taong gulang.

Batay sa pag-aaral, lumalabas na ilang bata na may autism ang hindi nakakuha ng sapat na folate supply sa kanilang utak dahil sa blockage, na maaaring magdulot ng communication issues. 

Pinaniniwalaang nakatutulong ang Leucovorin laban sa blockage. 

Ani Dr. Frye sa CBS News: ‘[Leucovorin] could really have a substantial impact on a very good percentage of children with autism.’ 

Batay sa National Institutes of Health, nasa pito sa 10 autistic children ang mayroong folate receptor autoantibodies, isang uri ng antibody na tuma-target sa malulusog na parte ng katawan. 

Pinipigilan ng folate receptor autoantibodies na makaabot ang folate sa ulat, na posibleng nagdudulot ng language delays.

Sa isa sa pag-aaral ni Dr. Frye, 44 autistic children na mayroong ganitong uri ng autoantibodies ang binigyan ng 50 milligrams ng Leucovorin kada araw sa loob ng apat na buwan.

Lahat ng pasyente ay nakitaan ng improvement sa kanilang pagsasalita, kilos, hyperactivity, mood, atensyon, at agresyon.

Nagsimulang magsalita si Mason sa edad na tatlo. Ngayong limang taong gulang na siya, balak siyang i-enroll ng kanyang mga magulang sa mainstream kindergarten. RNT/SA