MANILA, Philippines – Pinalawig hanggang Biyernes, Setyembre 13 ang siphoning operations sa lumubog na motor tanker Terranova upang masiguro na lahat ng oily waste ay nakolekta, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).
“Coast Guard Station (CGS) Bataan Commander, Lieutenant Commander (LCDR) Michael John Encina PCG, said the siphoning operation will be completed on Friday, 13 September 2024 (tentative date) or later, ensuring the recovery of oily waste on all cargo oil tanks, pipelines, and compartments of the sunken vessel,” sabi ng PCG sa isang pahayag.
Naunang sinabi ng PCG na ang oil siphoning operations sa MTKR Terranova ay nakatakdang tapusin noong Martes matapos karamihan sa nakolekta ng salvor Harbor Star ay tubig na noong Linggo.
Mula Àgosto 19 hanggang Setyembre 10, kabuuang 1,384,211 litro ng oily waste ang nakolekta na mula sa motor tanker na may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil nang lumubog noong Hulyo.
Isang crew ang namatay at 16 iba pa ang nasagip matapos lumubog ang MTKR Terranova at lumubog 3.6 nautical miles sa baybayin ng Lamao Point sa Limay noong Hulyo 25.
Maliban sa MTKR Terranova, tumugon din ang PCG sa lumubog na MTKR Jason Bradley at sumadsad na MV Mirola 1, na parehong sa Bataan.
Sinabi ng PCG na ang kinuhang salvor FES Challenger para sa MTKR Jason Bradley ay nagsimula na ang paglalagay ng siphoning pipes bilang paghahanda para sa seawater siphoning.
“FES Challenger said the target date to refloat MTKR Jason Bradley will be on Saturday, 14 September 2024. It will be brought to Diving Industry Shipyard, Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan for further operations,” sabi ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden