BACOLOD CITY – Patay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos na makuryente sa Barangay Bandila, Toboso, Negros Occidental nitong Miyerkules, Mayo 8.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Welmar Tapang, 23-anyos.
Sinabi ni Police Major Jun Ray Batadlan, hepe ng Toboso police, katatapos lang paliguan ni Tapang ang kanyang anak nang magpasya itong palitan ang busted electric bulb.
Gayunpaman, basa pa ang kanyang mga kamay nang palitan niya ang bombilya at nakuryente dahil dito.