MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na nagpahiwatig na ito ng layunin mula sa World Health Organization (WHO) na makakuha ng access sa mga bakuna sa bulutong upang magsilbing proteksyon laban sa mpox (dating monkeypox) virus.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na base sa scientific findings, ang smallpox vaccines ay maaaring magbigay ng cross-protection laban sa mpox.
Gayunpaman, wala pang supply ng bakunang ito sa Pilipinas, dahil ang bulto nito ay kasalukuyang ibinibigay sa mga bansa sa Africa kung saan tumataas ang kaso ng mpox.
“Right now, ginagamit sa ibang bansa ang smallpox vaccine to respond. Pero dahil ang krisis ay nasa Africa, I think thousands of cases na ang nandoon, doon nila inuuna ang buhos ng mga bakuna,” sabi ni Domingo Super Radyo dzBB .
Inihayag ni Domingo na ang Pilipinas ay may cold chain at supply chain facilities na ginagamit noong COVID-19 pandemic na maaaring mailagay ang mga bakuna sa bulutong.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa noong Lunes na ang mga sintomas lamang ng mpox ang nakauakuha ng paggamot sa ngayon sa pamamagitan ng suportang pangangalaga.
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng mpox, at ang virus ay maaaring maipasa sa mga tao sa pamamagitan ng malapit at matalik na pakikipag-ugnayan sa isang taong nakahahawa, sa pamamagitan ng mga kontaminadong materyales tulad ng mga ginamit na damit o kagamitan, o sa pamamagitan ng mga nahawahang hayop.
Pinayuhan ng DOH na gumamit ng sabon at tubig para patayin ang virus, at gumamit ng guwantes kapag naghuhugas ng mga kontaminadong materyales.
Sa ngayon, mayroong 10 kumpirmadong kaso ng mpox sa Pilipinas, kung saan kamakailan ay natukoy sa isang 33-taong gulang na lalaking Pilipino na walang kasaysayan ng paglalakbay sa labas ng bansa “ngunit may malapit, matalik na pakikipag-ugnayan tatlong linggo bago magsimula ang sintomas.” Jocelyn Tabangcura-Domenden