Home OPINION SOBERANYA AT PAGTITIIS

SOBERANYA AT PAGTITIIS

210
0

BAGO ang lahat, binabati natin ang mga bagong talagang opisyal sa Philippine National Police na makakatulong ni Chief PNP Jose Melencio Nartatez sa “pagtitimon” sa ating pambansang pulisya.

Isa sa kanila ay si PLtGen. Neri Vincent Ignacio (PNPA Class ’94), sa kanyang mas mabigat na posisyon bilang Chief of the Directorial Staff. Bago ito, nagsilbi rin si Ignacio bilang hepe ng Logistics Support Group sa Camp Crame.

Ang posisyon ngayon ni Ignacio ay naging tuntungan ng marami nating mga naging kaibigan sa PNP upang marating ang “rurok” ng organisasyon, tama ba, ex-Chief PNP Guillermo ‘Guillor’ Eleazar? Kumusta ka na pala?

Bagaman matagal “natengga” sa Camp Crame, naging hepe rin ng Zamboanga City Police Office si Heneral Ignacio. Muli, congratulations!

***

Matagal pa ang gagawing “pagtitiis” ng mga Pinoy sa mataas na presyo ng lahat ng bilihin dahil walang katiyakan kung kailan matatapos ang giyera sa Middle East na sumiklab noong Pebrero 28, matapos patraydor na atakihin ng Israel at ‘Tadong Unidos ang Iran.

Huwag maniniwala sa propaganda na “malapit” nang matapos ang giyera dahil hindi Amerika, bagkus, ang Iran, ang magtatakda kung kailan babalik ang kapayapaan.

Ang krusyal na tanong ay paano nga ba masasagip at matutulungan ang milyones nating Overseas Filipino workers sa Middle East na lahat ngayon ay nasa panganib?

At sakaling makauwi na sila, ano naman ang kanilang gagawin, aber? Higit $30 bilyon kada taon ang ‘remittance’ ng ating mga OFWs na malaking tulong sa ating ekonomiya.

At ngayong nanganganib “magsara” ang “gripo” ng dolyares na galing sa Middle East, paano na nga ba tayong lahat ngayon?

Ang nakikita nating kagyat na solusyon? Kagyat na baguhin na ng gobyerno ang ating ‘foreign policy’ at kumalas na tayo sa pagiging “tuta” ng mga Kano.

Dangan kasi, ang mga itinuring na “kaaway” ng mga Kano—China, Iran, Russia—ang pwedeng agarang makatulong sa atin.

Pero, hindi nila ito gagawin dahil nga kita ng mundo na wala tayong papel kundi maging kasangkapan ng Amerika sa agresyon nito sa lahat ng panig ng mundo.

Kung hindi kayang ipaglaban ng gobyerno ang ating soberenya lalo pa sa panahong ito, eh, wala na tayong magagawa kundi magtiis at, NGANGA!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here