Home HOME BANNER STORY Socmed personality, arestado sa sinasabing ‘extortion’

Socmed personality, arestado sa sinasabing ‘extortion’

97
0

MANILA, Philippines —Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang social media personality at founder ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si Franco Mabanta at apat na kasamahan sa isang entrapment operation kaugnay ng umano’y ₱350 milyong extortion attempt laban kay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.

Arestado si Mabanta kasama ang apat pang indibidwal nitong Martes, Mayo 5, matapos umano niyang hingin ang ₱350 milyon kapalit ng hindi paglalabas ng mga video na sinasabing nag-uugnay kay Romualdez sa flood control scandal.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, iginiit umano ng suspek na hawak niya ang naturang mga video at nagbanta itong ilalabas kung hindi siya mababayaran.

Sinabi ng mga awtoridad na nadakip si Mabanta matapos umanong tumanggap ng ₱300 milyon na marked money, habang may ulat na ₱75 milyon ang naibigay bilang paunang bayad. Lumabas din sa mga kumakalat na larawan na kaharap niya ang isang maleta na naglalaman ng pera sa isinagawang operasyon.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Mabanta at sinabing kukunsulta muna siya sa kanyang mga abogado.

Ayon sa NBI, magsasagawa ito ng press conference upang ilahad ang karagdagang detalye kaugnay ng kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here