Home NATIONWIDE Solong mananaya, magarbo ang Pasok sa nasungkit na P25-M lotto jackpot

Solong mananaya, magarbo ang Pasok sa nasungkit na P25-M lotto jackpot

302
0

MANILA, Philippines – Nanalo ng P25.111 milyon sa Megalotto 6/45 ang isang lone bettor noong Lunes, Disyembre 15, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na tiyak na magiging isang “Merry Christmas” para sa nanalo.

Nakuha ng nag-iisang tumaya ang tamang kombinasyon na 10-21-23-30-01-15 at naiuwi ang premyong P25,111,918.20.

Huling may nanalo sa Megalotto 6/45 noong Setyembre 29, 2025, kung saan umabot sa P56 milyon ang jackpot.

Samantala, wala namang nanalo sa Grand Lotto 6/55 jackpot na nagkakahalaga ng P212,219,015.80. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here