Home NATIONWIDE Shear line, amihan magpapaulan sa Pinas

Shear line, amihan magpapaulan sa Pinas

268
0

MANILA, Philippines – Patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa dalawang umiiral na weather system, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes.

Apektado ng shear line ang Aurora at Quezon, na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms, habang inaasahan din ang parehong lagay ng panahon sa Bicol Region, Caraga, Davao Region, Northern Samar, Eastern Samar, at Southern Leyte dahil sa easterlies.

Nagbabala ang PAGASA na ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar na ito ay maaaring magdulot ng flash flood o pagguho ng lupa.

Magkakaroon din ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa northeast monsoon o “amihan,” habang inaasahan ang panaka-nakang mahinang ulan sa Metro Manila at mga karatig-rehiyon.

Inaasahan ang malalakas na hangin at maalon na karagatan sa Northern Luzon, habang katamtaman hanggang maalong karagatan naman sa iba pang bahagi ng Luzon at silangang Visayas.

Ayon sa PAGASA, wala namang binabantayang low pressure area para sa posibleng pagbuo ng bagyo hanggang alas-2 ng madaling araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here