MANILA, Philippines – Nanawagan ng komprehensibong imbestigasyon ang mga mambabatas nitong Lunes, Agosto 26 kasunod ng pagkakasagip sa umano’y mga biktima ng human trafficking mula sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
Nag-isyu ng magkakahiwalay na pahayag sina House Assistant Minority Leaders Cheeno Miguel Almario at Migs Nograles kaugnay nito.
“We are alarmed at the fact that when a valid warrant of arrest for Apollo Quiboloy was [being] enforced at the KOJC compound, they found alleged victims of human trafficking. This is a clear-cut sign that there is irrefutable basis for the accusations being brought forth against him,” ani Almario.
Aniya, dapat na masusing imbestigahan ng pulisya ang kaso ng dalawang biktima ng human trafficking at nagsabi ring kailangan ng mga pamilya na makamit ang hustisya para sa dalawa.
“Ibig bang sabihin nito na patuloy na nangyayari ang krimen na ibinibintang kay Mr. Quiboloy? I feel for the family of the victims and the victims themselves. Mahirap mawalay sa pamilya na hindi sigurado kung makakauwi pa ang inyong mga mahal sa buhay. Kaya dapat maparusahan ang responsable sa krimeng ito,” sinabi ni Almario.
Ganito rin ang sinabi ni Nograles na isang abogado.
“I applaud the authorities for their decisive action in rescuing these young individuals. However, I also strongly condemn anyone who attempts to defend or downplay the severity of these crimes. Human trafficking is not something to be dismissed or ignored. Allowing it to happen within one’s premises is serious, but being complicit in such heinous acts is an even graver offense,” aniya.
“Pastor Quiboloy did not act alone. We must ask: Who are his accomplices? Those managing the property, those aware of its operations, and those who allowed such crimes against humanity to occur?” dagdag pa ni Nograles.
Ang dalawang umano’y biktima ng human trafficking na nasagip mula sa KOJC compound ay isang 21-anyos na lalaki mula Samar at isang babae mula Midsayap, Cotabato na napaulat na pinigilang makaalis mula sa KOJC compound sa halip ng kanilang pagnanais na makaalis na.
“This incident is alarming and underscores the need for a thorough investigation into the operations within the KOJC compound,” ani Nograles.
Wala pang tugon si Atty. Ferdinand Topacio, ang abogado ni Quiboloy, patungkol dito.
Nauna nang itinanggi ni KOJC legal counsel Israelito Torreon na sangkot ang kanilang organisasyon sa human trafficking.
Samantala, sinabi ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin na dapat ay ang mga biktima ng krimen ang ipinagtatanggol ni Vice President Sara Duterte sa halip na ang puganteng self-proclaimed “Appointed Son of God.”
Nag-isyu si Garin ng pahayag isang araw matapos batikusin ni Duterte ang pang-aabuso umano ng mga pulis sa pagsisilbi ng warrant laban sa pugante.
“As a mother, a woman, and a public servant, I cannot remain silent in the face of Vice President Sara Duterte’s recent statement concerning the KOJC and the ongoing legal actions against its leaders. While Vice President Duterte expresses concern over the police’s implementation of lawful warrants, I find it troubling that her sympathies appear to lie more with a powerful figure wanted for serious crimes rather than with the vulnerable women and minors who have suffered at the hands of an accused predator,” sinabi ng mambabatas.
Dapat umanong seryosohin, ani Garin, ang bigat ng mga reklamong isinampa laban dito. RNT/JGC