Home NATIONWIDE Solusyon sa giyera, kapayapaan lang – PBBM

Solusyon sa giyera, kapayapaan lang – PBBM

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tangi at nag-iisang solusyon sa armed conflict ay kapayapaan.

Ito ang napagkasunduan ng lahat ng partidong sangkot.

Sa pagsasalita sa Pilar, Bataan sa paggunita ng ika-83 Araw ng Kagitingan (Day of Valor), sinabi ni Pangulong Marcos na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang kapayapaan na natamo sa pamamagitan ng dugo at sakripisyo ng lahat ng lumaban ng buong tapang para sa kanilang bansa sa panahon ng World War II.

“We celebrate the lessons that have been learned through this very terrible hardship and very terrible experience. The lessons that we learned are that the solution to war is not more war, and that the solution to war is only peace—an honorable peace that is arrived at by the different parties involved and having a hand and a voice in achieving that peace,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Peace cannot be attained by one person, by one country alone. We have to bring together all the parties that are involved. These are the lessons that we hope to have learned,” dagdag na wika nito.

Ikinalungkot naman ng Pangulo na maraming bansa ang tila hindi pa natuto habang ipinahahayag ang pag-asa na matatamo rin ng lahat ang kapayapaan.

Inihayag ng Pangulo ang kanyang talumpati sa Dambana ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine sa Bataan, kung saan pinangunahan din niya ang wreath-laying ceremony at panonood sa mga bagong ipinakita sa Mt. Samat National Shrine Underground Museum.

Ang museum ay matatagpuan sa ilalim ng Colonnade na pinasinayaan noong 1970 ng ama ni Pangulong Marcos na si dati at namaapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Kris Jose