MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Labor leader at abogadong si Jose “Sonny” Matula nitong Sabado, Setyembre 14 na tatakbo siya bilang senador sa eleksyon sa susunod na taon sa ilalim ng Workers Party Philippines (WPP).
Si Matula ay pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) at chair ng Nagkaisa Labor Coalition.
Siya ang ikalawang labor leader na nag-anunsyo ng kandidatura nito, matapos ang anunsyo ni Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis.
Ayon kay Matula, may pangangailangan para sa “worker-centric” voice sa Senado.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na tatakbo si Matula bilang senador matapos ang bigo niyang pagtakbo noong 2019 at 2022. RNT/JGC