MANILA, Philippines – NAIS ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. na ang publiko lalo na ang mga kabataan ay maging mas matalino at magaling sa space technology.
”The President instructed us to bring space technology closer to the people, especially to the young ones. By bringing it to the public, then we can communicate the benefits of space technology better in addressing the many programs of government,” ayon kay Philippine Space Agency director general Dr. Joel Marciano Jr. sa isang episode ng Malacañang Insider.
”We’re there with the other government agencies in trying to achieve better synergy for using space technology,” ang sinabi ni Marciano.
Aniya pa, may direktiba na para maging mas ‘accessible at useful’ ang space technology data sa mga ahensiya ng gobyerno pagdating sa pagsasagawa ng kanilang mandato para sa ‘disaster risk reduction and management, environmental protection, maritime domain awareness, at maging sa pag-monitor sa natural disasters.’
”So these are all national imperatives that can be addressed through these new tools that we can bring to the table,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, nauna nang idineklara ni Pangulong Marcos ang Agosto 8 hanggang 14 ng bawat taon bilang Philippine Space Week.
Binigyang diin sa Proclamation No. 302 ni Pangulong Marcos ang “the substantial influence of space science and technology applications on the socio-economic development of the country.” Kris Jose