MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Justice Action Center (DOJAC) ang satellite office nito sa Cebu City para magbigay ng libreng legal services sa mga residente sa Central Visayas.
Ang Region VII ay kinabibilangan ng mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor at mga highly urbanized cities ng Cebu, Lapu-Lapu at Mandaue.
Layon ng satellite office na mabilis na maaksyunan ang mga reklamo at mga kailangang ligal ng mga kliyente gaya ng pagkakaloob ng legal advice, paggawa ng legal documents at pagbibigay ng referrals sa mga government agencies.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla na malaking hamon sa kagawaran na maibigay ang mahalagang government services sa iba’t ibang rehiyon.
“With President Marcos’ Bagong Pilipinas campaign that no Filipino shall be left behind, we bridge our geographical gaps to deliver justice to each and everyone in real time,” ani Remulla.
Ang DOJAC na dating Public Assistance Center (PAC) ay itinatag salig sa Ministry Order No. 41 noong Pebrero 28, 1985. TERESA TAVARES