Home NATIONWIDE Speakership ni Dy, suportado nina Benitez, Tiangco at Frasco

Speakership ni Dy, suportado nina Benitez, Tiangco at Frasco

273
0

MANILA, Philippines – Hindi na magiging independent bagkus papanig na sa majority bloc ng Kamara sina Bacolod Rep. Albee Benitez, Navotas Rep Toby Tiangco at Cebu Rep. Duke Frasco at boboto pabor sa bagong itatalagang House Speaker na si Isabela Rep Faustino Dy.

Ayon kay Benitez, sa magiging botohan sa plenaryo para sa bagong House Speaker ay kapwa susuporta silang tatlo kay Dy.

“Hindi na kami magiging independent. We will rally behind the choice of the majority,” paliwanag ni Benitez.

Matatandaan na sina Benitez, Frasco at Tiangco ang siyang unang nag-ingay sa Kamara para sa pagpapalit ng liderato matapos na rin makaladkad ang Kamara sa kontrobersiya sa flood control projects.

Sa naging botohan sa pagbubukas ng 20th Congress noong July 28, 2025 ay kumalas sa majority bloc at naging independent ang tatlong mambabatas.

Sinabi ni Benitez na maituturing na magandang hakbang ang pagbaba sa pwesto ni House Speaker Martin Romualdez para na rin mabago na ang imahe ng institusyon.

“Romualdez stepping down is the strongest clamor of the public,” paliwanag nito.

Inamin nito na masaya ang mayorya ng mga mambabatas sa pagpapalit ng liderato sa Kamara at suportado nila ang papasok na pamumuno ni Dy.

Samantala, innamin ni Benitez na nakadepende sa desisyon ni Rep. Dy ang pagpapalit ng mga Deputy Speaker subalit para kay Tiangco, kung nais ng tunay na pagbabago sa Kamara ay dapat magkaroon ng pagpapalit ng mga Deputy Speakers.

Kabilang sa mga Deputy Speakers ay sina Senior Deputy Speaker Jayjay Suarez, Deputy Speaker Iloilo Rep Janette Garin; Lanao del Sur Rep. Yasser Balindong; La Union Rep. Paolo Ortega; Zambales Rep. Jay Khonghun; Ilocos Rep. Kristine Singson-Meehan; Antipolo Rep. Ronaldo Puno; Iloilo Rep. Ferjenel Biron at TUCO Partylist Rep Raymond Mendoza. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here