Home NATIONWIDE Aregluhan sa pamilya ng missing sabungeros iniimbestigahan ng DOJ

Aregluhan sa pamilya ng missing sabungeros iniimbestigahan ng DOJ

265
0

MANILA, Philippines – Inaalam na ng Department of Justice (DOJ) ang nasa likod ng aregluhan sa mga kaanak at pamilya ng mga missing sabungeros.

Ayon kay Justice Asec Eliseo Cruz, masusing imbestigasyon ang kanilang ginagawa sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy kung sinu-sino ang mga ginagamit para patahimikin ang pamilya ng mga biktima at iurong ang kanilang mga isinampang reklamo sa DOJ.

Ito ay makaraang maaresto ng mga awtoridad ang isang mag-asawa na tinangkang suhulan umano ang isang kaanak ng isa sa nawawalang sabungero kapait ng kanilang pananahimik.

Dati na ring lumutang ang isa sa umano’y nakipag-usap din sa pamilya ng mga nawawalang sabungero para iatras ang kanilang mga reklamo.

Ngunit iginiit ng DOJ na magpapatuloy pa rin ang kaso laban sa mga sangkot sa pagdukot at pagkawala ng mga sabungero kahit may mga naareglo na umanong pamilya ng mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here