Home NATIONWIDE Special polls sa Cavite pinalawig ‘gang alas-5 ng hapon

Special polls sa Cavite pinalawig ‘gang alas-5 ng hapon

2
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Commission on Elections (COMELEC) hanggang alas-5 ng hapon ngayong Sabado, Agosto 29, 2026, ang oras ng botohan para sa special election sa ika-4 na Distrito ng Cavite.

Ang nasabing pagpapahaba ng oras ng botohan ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga botanteng hindi pa nakaboboto, dahil sa patuloy ng pagbuhos ng ulan at masamang panahon.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nagpasya ang Commission En Banc na palawigin ang voting hours.

“The Commission En Banc via a unanimous vote had decided to extend the voting hours of the Dasmariñas special election up to 5pm,” ani Garcia.

Hinimok naman ang mga botante na samantalahin ang dagdag na oras upang makalahok sa halalan at makapili ng kanilang kinatawan para sa Kongreso.

Ang special election ay isinasagawa ngayong araw upang punan ang nabakanteng puwesto bilang kinatawan ng ika-4 na Distrito ng lalawigan ng Cavite. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here