Home NATIONWIDE Special report sa Bilibid septic tank mass grave isusumite na kay Boying

Special report sa Bilibid septic tank mass grave isusumite na kay Boying

Inaasahang maisusumite ngayong araw (Aug 1) ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. sa Department of Justice ang special report kaugnay sa magkakasunod na mga kontrobersyal na nangyari sa New Bilibid Prisons nuong nakaraang linggo.

Nakapaloob sa report ni Catapang Jr kay Justice Secretary Crispin Remulla ang resulta ng hinukay na isang septic tank sa NBP, ang paliwanag sa nawawalang person deprived of liberty, at ang pamamaril ng isang preso na ikinasugat ng 9 at iba pang insidente.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa septic tank na sinasabing mass grave o hinihinalang pinagtapunan ng nawawalang inmates, bagamat tapos na ang paghuhukay at pagsala sa unang septic tank.

Nakikipag ugnayan na ang BuCor sa forensic anthropologist ng UP-Manila upang susuriin ang isa pang septic tank.

Sinusuri naman na ng National Bureau of Investigation ang mga kalansay at damit na kanilang narekober sa umano’y mass grave sa likurang bahagi ng NBP. Teresa Tavares