Ipinag-utos ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang paglilinis ng Special Task Force (STF) nito base sa natuklasang ulat na isa sa kanilang tauhan ang nasangkot sa maling gawain.
Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na ipinag-utos din ni Santiago ang suspek ayon sa operasyon ng STC at inatasan ang Internal Affairs Division na mag-imvestigasyon.
Ang hakbang ni Santiago ay kasunod ng Sept.11 STF operation laban sa isang clinic sa Makati na natuklasang nag-ooperate ng walang medical.licebse at akreditasyon.
Sa nasabing operasyon, inaresto ng mga ahente ng STF sina Nguyen Thi Thu Ha at kanyang kasabwat na Filipino na nakilalang si Demi Nhor Abelada Robles at Mary Frinces Listones Dalaguite.
“However, information belatedly reached the Office of the Director that one of the members of the team committed an abhorrent deed during the operation. This information should have been reported promptly as it affects not only the operation’s credibility but the NBI’s reputation,” ayon sa bureau.
“In his embarrassment, the agent decided to tender his resignation from the service which was accepted by the Director,” ayon pa sa NBI.
Bukod sa pagbibitiw, naghain din ng kaukulang kaso ang NBI laban sa nasabing ahente sa Office of the City Prosecutor of Makati City.
Hindi naman binanggit ng NBI ang pangalan ng ahente at kanyang offense.
Ipinag-utos din ni Santiago na ang proseso ng pagpili para sa mga ahente at tauhan ay maging mas mahigpit upang hindi makita o marinig ang mga katulad na insidente sa hinaharap.”
Kasabay nito, sinabi ng NBI na hinihikayat ni Santiago ang pamunuan ng NBI, mga ahente at empleyado nito na suportahan siya sa pagtiyak na ang NBI ay malaya mula sa mga maling gawain at masasamang elemento. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)