Home NATIONWIDE Speedy Duterte trial, bagong health assessment iniatas ng ICC

Speedy Duterte trial, bagong health assessment iniatas ng ICC

42
0

MANILA, Philippines – Pinamamadali ng mga hukom ng International Criminal Court ang pagdinig sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pag-uutos ng panibagong medical assessment upang matukoy kung maaari pa itong humarap sa paglilitis.

Sa unang status conference noong Miyerkules, sinabi ni Presiding Judge Joanna Korner na kinakailangang mapabilis ang proceedings dahil sa kondisyon ng kalusugan at edad ni Duterte.

“As you rightly pointed out and you filed a motion to that effect, the finding of fitness related to the confirmation proceedings and the chamber is obliged to make a separate finding on that issue and you very sensibly propose that the three gentlemen who examined him for the purposes of the confirmation proceedings should be re-instructed to re-examine him and we propose to make that order hopefully either today or tomorrow,” ani Korner.

Sinabi rin ni Korner na posibleng makaapekto ang kalagayan ng kalusugan ni Duterte sa iskedyul ng paglilitis, kabilang ang posibilidad na paikliin ang mga linggo ng pagdinig.

“In that case, as I say we’ll, I only hope that they can carry out the assessment with some speed. So, therefore, at the moment it’s a bit difficult to set a schedule for trial until we’ve had an up-to-date report, but it seems to be, that because of his age and potentially medical problems,” dagdag niya.

Tinalakay rin ng chamber ang iba’t ibang usaping pre-trial kabilang ang posibleng timetable ng paglilitis, disclosure of evidence, witness protection, victim participation, at ang posibleng pagdaragdag ng mga bagong insidente sa kaso.

Iminungkahi ng prosekusyon na simulan ang paglilitis sa Nobyembre 30, 2026, habang humiling naman ang depensa ng mas mahabang panahon upang masuri ang mga ebidensiya.

Nagbabala naman si defense lawyer Peter Haynes na maaaring maging mahirap pamahalaan ang kaso kung patuloy na palalawakin ang saklaw nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga insidente.

Ayon sa chamber, maaari pa ring humiling ang prosekusyon na magsama ng karagdagang insidente sa kaso ngunit posibleng magtakda ito ng deadline bago matapos ang Agosto.

Binigyang-diin din ng mga hukom na dapat agad humingi ng pahintulot sa korte ang prosekusyon para sa anumang delayed disclosure requests habang nagpapatuloy ang pagsusumite ng ebidensiya.

Sa usapin naman ng witness protection, sinabi ng prosekusyon na target nilang ilabas ang pagkakakilanlan ng lahat ng testigo bago matapos ang Setyembre, kabilang ang mga posibleng madagdag pa.

Tinalakay rin ang victim participation, kung saan sinabi ni victims’ counsel Paolina Massidda na posibleng marami pang biktima ang humiling na makalahok sa proceedings dahil hindi pa kumpleto ang mga insidenteng nakasaad sa kaso.

“Victims are very interested in this case,” aniya.

Inihayag din ni Korner na nagkaroon siya noon ng propesyonal na ugnayan sa mga abogado ng magkabilang panig dahil maliit lamang ang international criminal law community, ngunit tiniyak niya na “there will be no discussion whatsoever of this case between parties and the judges at any such function”. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here