MANILA, Philippines – Wasak dahil sa malakas na agos ng tubig dulot ng malakas na pag-ulan ang spillway sa Barangay Pangian sa Sibuco, Zamboanga del Norte.
Ang spillway ay itinayo bilang detour route matapos na masira rin ang tulay patawid ng Pangian river noong 2023 dahil din sa baha.
Ayon kay Municipal information officer Efraem Roldan, dahil dito ay hindi na madaraanan ng lahat ng uri ng mga sasakyan ang detour route.
Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na iwasang dumaan sa apektadong ruta.
Inabisuhan din na huwag nang subukang tumawid sa nasirang spillway upang maiwasan ang anumang insidente. RNT/JGC