Home OPINION SSS, NAGBABALA SA 5 KUMPANYA SA PASAY DAHIL SA ₱3.19M UNPAID CONTRIBUTIONS

SSS, NAGBABALA SA 5 KUMPANYA SA PASAY DAHIL SA ₱3.19M UNPAID CONTRIBUTIONS

2
0

QUEZON CITY — Nagpalabas ng opisyal na babala ang Social Security System (SSS) laban sa limang
(5) pampribadong kumpanya sa Pasay City matapos makalap ng RACE ang kabuuang ₱3.19 milyon na
hindi naisumiteng kontribusyon ng kanilang mga manggagawa at kaukulang multa.
Ang mga babala ay inihain sa ginanap na Run After Contribution Evaders (RACE) operation noong
Setyembre 29, 2026.

Paglabag sa Batas at Karapatan ng Manggagawa

Batay sa tala ng SSS, pumalo sa ₱1.14 milyon ang hindi naibayad na buwanang kontribusyon habang
umabot naman sa ₱2.05 milyon ang ipinataw na multa. Kabilang sa mga lumabag ang mga negosyo
mula sa iba't ibang sektor tulad ng management consultancy, restaurant, real estate, carwash, at
gambling/betting activities.

Sa mga nasingil, isang restaurant ang nakatala ng pinakamataas na pagkakautang na umabot sa ₱2.25
milyon (higit ₱739,000 para sa kontribusyon ng 35 empleyado at ₱1.51 milyon na multa). Sa parehong
operasyon, personal ding ipinaliwanag ni SSS Vice President for NCR North Divisions Victorina B. Pardo-
Pajarillo sa kinatawan ng isang gaming firm ang kailangan nitong bayarang delinquency na mahigit
₱60,000.

Ang kampanyang RACE ay mahigpit pinapatupad ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of
2018.

Ayon kay SSS Senior Vice President for NCR Operations Group Benjamin M. Dolindo Jr., malaki ang
epekto nito sa mga empleyado dahil hindi sila makakakuha ng mga benepisyo tulad ng sickness,
maternity, disability, o salary loans kung hindi updated ang kanilang hulog.

Pinagkalooban ng 15 araw ang mga employer mula sa pagtanggap ng sulat upang makipag-ugnayan sa
SSS Pasay-CCP Complex Branch at ayusin ang kanilang pagkakautang.

Kapag nabigo ang mga ito na makipag-ayos, magpapasampa ang SSS ng kasong kriminal laban sa
kanila. Sa ilalim ng RA 11199, ang mga employer na hindi nagpaparehistro o hindi nagreremit ng hulog
ng empleyado ay nahaharap sa pyansa/multa na ₱5,000 hanggang ₱20,000 at pagkakulong mula 6 na
taon at 1 araw hanggang 12 taon.

Ang operasyon sa Pasay ay bahagi ng NCR-wide RACE operation kung saan pinadalhan ng “Notice” ang
419 na delinquent employers na may kabuuang pagkakautang na mahigit ₱169 milyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here