Home NATIONWIDE State of calamity idineklara sa bayan sa Mt. Province sa epekto ng...

State of calamity idineklara sa bayan sa Mt. Province sa epekto ng matinding tagtuyot

364
0

MANILA, Philippines – Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Paracelis sa Mountain Province dahil sa pinagsamang epekto ng matinding tagtuyot, kakulangan sa suplay ng tubig, at patuloy na energy crisis.

Ayon kay Mayor Marcos Ayangwa, ang deklarasyon na inaprubahan noong Abril 28 ay magbibigay-daan upang magamit ng lokal na pamahalaan ang lahat ng yaman nito para tugunan ang krisis.

“Immediate interventions include intensified water delivery operations, fuel support for essential services, strict water and energy conservation measures, and prioritization of health and emergency needs across all barangays,” ayon kay Ayangwa.

Dagdag niya, layunin ng mga hakbang na maibsan ang pasanin ng mga residente sa gitna ng tagtuyot at pagtaas ng presyo ng krudo.

Bilang bahagi ng tugon, nagsimula na ang pamamahagi ng family food packs sa 7,500 kabahayan, una sa mga barangay ng Palitud at Butigue, at susundan pa sa iba pang barangay tulad ng Bananao, Anonat, Buringal, Bacarri, Bunot, Poblacion, at Bantay.

May libreng distribusyon din ng tubig na dalawang drum kada kabahayan kada linggo sa ilang lugar.

Inaprubahan din ang fuel assistance para sa mga pangunahing serbisyo, kabilang ang isang drum ng gasolina o diesel para sa Paracelis District Hospital upang matiyak ang suplay ng tubig nito.

Nagbigay rin ng fuel support para sa DENR Community Environment and Natural Resources Office para sa pagbabantay sa forest fire.

Inihahanda rin ang “Libreng Sakay” program para sa mga estudyante sakaling magpatuloy ang energy crisis, habang nagbawas ang lokal na pamahalaan ng hindi bababa sa 20 porsiyento sa gastusin sa enerhiya ng operasyon nito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here