Home HOME BANNER STORY Subpoena inilabas ng House justice panel sa SALN, NBI records sa death...

Subpoena inilabas ng House justice panel sa SALN, NBI records sa death threat video ni VP Sara

141
0

MANILA, Philippines – Para mabigyang linaw ang alegasyong “unexplained wealth”, sa botong 34-1, inaprubahan ng House Justice Committee ang mosyon na magpalabas ng subpoena sa Office of the Ombudsman para isumite ang kopya ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ni Vice President Sara Duterte.

Ang ipalalabas ng komite na subpoena duces tecum ay mag-aatas sa Ombudsman na ilabas ang SALN ni Duterte sa mga taong 2007 hanggangh 2013, 2016 hanggangh 2022 at 2022 hanggang 2025, o sa loob ng mga taon na ito ay nasa public service mula ng ito ay nagsilbing alkalde ng Davao City.

Sa unang araw ng pagdinig ng impeachment case ay inaprubahan din ng komite ang pagpapalabas ng subpoena sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makuha ang mga record kaugnay sa pagbababanta ni Duterte sa buhay nina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ang nasabing pagbabanta ay nangyari noong November 2024 sa isang press conference na ipinatawag ni Duterte.

Sa botong 29-1 ay inaprubahan din ng komite ang pagpapalabas ng subpoena sa testigong si Ramil Lagunoy Madriaga, ang aminadong bagman ni VP Duterte.

Sa pagpapalabas ng subpoena duces tecum at ad testificandum kay Mardiaga ay aatasan ito na ilabas ang kanyang affidavit noong November 29,2025 at iba pang ebidensya at dokumento patungkol sa paghawak at pamamahagi nito ng confidential fund ng Office of the President.

Kasama din sa iisyuhan ng subpoema si Atty Cynthia Vinas-Pantonal, ang notary public na nagnotaryo ng affidavit ni Madriaga.

Iisyuhan din ng subpoena ang House Committee on Good Government and Public Accountability para ilabas ang transcript sa naging pagdinig sa condfidential funds ni Duterte.

Gayundin ang pagpapalabas sa affidavit nina Deped USEC Gloria Mercado at iba pang opisyal ng Department of Education na umaming nakatanggao ng envelope na may lamang pera mula kay Duterte.

Inatasan din na magpalabas ng subpoena sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapatunay na ang mga pangalan na pinagbigyan ng confidential fund ay hindi rehistrado o walang kopya ng birth certificate sa ahensya. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here