Home TOP STORIES Subpoena sa missing sabungero case, welcome sa kampo ni Ang

Subpoena sa missing sabungero case, welcome sa kampo ni Ang

247
0

MANILA, Philippines – MALUGOD na tinanggap ng kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang pag-iisyu ng subpoena ng Department of Justice (DOJ) sa mga respondent sa kaso ng mga missing sabungero.

Ayon sa abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal, handa silang harapin ang mga akusasyon at patunayan ang kanilang pagiging inosente.

Sabi ni Villareal, tanging si Julie “Dondon” Patidongan ang mayroong motibo upang maglaho ang mga sabungero at ngayon ay naghahabol ng atensiyon upang ilayo ang sarili sa kanyang pagkakasala.

Hinahamon ni Villareal si Patidongan na patunayan ang kanyang mga alegasyon sa pamamagitan ng ebidensiya at paghandaan ang konsekwensiya ng kanyang mga ginawa.

Ayon sa kampo ni Ang, malapit nang malantad ang katotohanan tungkol sa tunay na may sala sa pagkawala ng mga sabungero.

Una nang Inanunsyo ng DOJ na naglabas na sila ng subpoena kay Ang at sa 59 na iba pa para sa nakatakdang pagsisimula ng preliminary investigation ng kaso ng mga missing sabungeros. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here