MANILA, Philippines – Binuksan ang gate ng tatlong dam sa Luzon ngayong umaga ng Miyerkules, Setyembre 10 para magpakawala ng tubig.
Ayon sa PAGASA, ang Ambuklao Dam sa Benguet ay may dalawang gate na bukas sa 0.80 metro.
Nasa 750.98 metro ang lebel ng tubig sa Ambuklao, o 1.02 metro na mababa sa Normal High Water Level (NHWL) na 752 meters.
Ang Binga Dam sa Benguet naman ay may tatlong gate na bukas sa 1.3 metro, sa taas ng lebel ng tubig na 573.45 metro. Ang NHWL nito ay 575 metro, o 1.55 metro na lamang mula sa kasalukuyang reservoir level.
Nagsara ng tig-isang gate ang dalawang dam nitong Martes ng umaga.
Samantala, nananatiling bukas ang isang gate ng Magat Dam sa Isabela at Ifugao sa 2.0 metro. Ang reservoir water level nito ay kasalukuyang nasa 186.42 metro.
Ang kasalukuyang reservoir level ay 3.58 metro, o 0.65 metro mula sa normal high level na 190 meters. RNT/JGC