Home NATIONWIDE Sunod-sunod na insidente ng pagkakakumpiska ng illegal drugs sa Davao ikinaalarma ng...

Sunod-sunod na insidente ng pagkakakumpiska ng illegal drugs sa Davao ikinaalarma ng solon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkaalarma si House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa magkakasunod na drug seizures o pagkakakumpiska ng illegal na droga sa Davao City.

Ayon kay Acidre, dapat na bantayan ng mga awtoridad ang Davao dahil sa maaaring maging “hub” ito para sa illegal narcotics.

Batay sa datos, noong Pebrero 15 ay nagkaroon ng operasyon sa Panabo City, Davao del Norte, kung saan 6.5 kilo ng shabi na nagkakahalaga ng ₱44.4 million ang nakumpiska habang 2 suspek ang arestado; noong Pebrero 8 ay ₱6.9 million halaga ng illegal drugs ang nasabat sa Sirawan Entry Point sa Toril District, Davao City at noong Enero 10 ay dalawa katao ang nakuhaan ng P1 Million halaga ng droga sa isang checkpoint sa Davao City.

Hinimok ni Acidre ang pamunuan ng Philippine National Police na magsagawa ng imbestigasyon sa mga nagdaang drug busts at suriin ang stratehiya na dapat gawin sa isinagawang anti-drug campaign hindi lamang sa Davao kundi sa buong bansa. Gail Mendoza