Home NATIONWIDE Sunog sa Navotas Landfill may masamang epekto sa kalusugan ng mga taga-Metro...

Sunog sa Navotas Landfill may masamang epekto sa kalusugan ng mga taga-Metro Manila – DOH

131
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) na ang haze mula sa nagpapatuloy na sunog mula sa Navotas Sanitary Landfill ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ang haze, na binubuo ng usok at alikabok mula sa sunog at abo, ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, ubo, pananakit ng dibdib, iritasyon sa mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika.

Ipinaliwanag ng DOH na ang haze ay may napakaliit na particle na maaaring pumasok nang malalim sa baga at makaapekto pa sa daluyan ng dugo, lalo na kung matagal ang exposure.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang kalidad ng hangin sa Valenzuela City ay “hazardous” para sa lahat, habang ang Caloocan, Malabon, Marikina, Quezon City, at ilang bahagi ng Bulacan ay may hindi ligtas na air quality para sa mga sensitibong grupo tulad ng mga bata, matatanda, at may sakit sa baga o puso.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na limitahan ang mga aktibidad sa labas at sundin ang mga sumusunod na pag-iingat:

– Manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari

– Isara ang mga pinto at bintana

– Takpan ang mga siwang gamit ang basang tela

– Magsuot ng N95 mask kung lalabas

– Gumamit ng headlights o fog lights kung magmamaneho sa mahinang visibility

Hinikayat din ng DOH ang publiko na manatiling alerto at tumawag sa 911 para sa emergency assistance kung kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here