Home METRO Sunog sumiklab sa Cebu sa nag-overheat na electric fan

Sunog sumiklab sa Cebu sa nag-overheat na electric fan

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay Lawaan, Talisay City.

Ayon sa nakatira sa bahay na si Ricky Gallardo, 46, gumising siya ng maaga nitong Sabado, Marso 15 para sana maligo para pumasok sa trabaho.

Habang naliligo ay napansin na lamang umano niya ang pag-init ng temperatura kung kaya’t lumabas siya para tingnan ito.

Nang lumabas sa banyo ay doon na niya nalaman na nasusunod na ang kanyang kwarto.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng barangay fire brigade ng naturang barangay at agad na naapula ang sunog.

Tumulong din ang mga kapitbahay ni Gallardo na maapula ang sunog sa pamamagitan ng mga fire extinguisher.

Pinaniniwalaang nanggaling sa ceiling fan na hindi napatay ang nangyaring sunog.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng nag-overheat ang ceiling fan at nahulog sa kama kaya sumiklab ang sunog.

Nagtamo naman ng minor burns si Gallardo sa kanang bahagi ng katawan nang sinubukan niyang apulahin ang sunog.

Sinabi ni Fire Officer 2 (FO2) Mardee II Auxtero, imbestigador mula sa Talisay City Fire Station, na naapula ang sunog 7:39 ng umaga o siyam na minuto matapos itong sumiklab.

Umabot sa P93,750 ang halaga ng pinsala sa sunog. RNT/JGC