MANILA, Philippines – Maswerteng nakalabas na ang lahat ng mga empleyado nang sumiklab ang sunog sa isang commercial building sa Sta. Cruz, Maynila Biyernes ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 7:00 ng gabi na umabot sa ikalawang alarma.
Sinabi ng isang tenant sa gusali na si Edmund Wong na nakitaan nila ng usok mula sa kanyang bodega sa ikatlong palapag.
Aniya sa naturang bodega ay may makaimbak na acrylic plastic.
Ayon pa kay Wong, sinubukan pa umano niyang patayin ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher ngunit dahil sa kapal ng usok at init ay hindi nila kinaya kaya agad na silang lumabas sa gusali.
Nang mangyari ang sunog, nakalabas na rin lahat ang mga tao sa loob kaya walang iniulat na nasaktan sa pangyayari.
Idineklarang fire out ang sunog ganap na alas 11:05 ng gabi.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naging sanhi ng sunog gayundin ang kabuuang naging pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden